(Eagle News ) — Muling nagpulong ang mga miyembro ng newly expanded Bangsamoro Transition Commission (BTC) para sa dalawang araw nitong sesyon.
Pangunahing layunin ng BTC ay bumuo ng isang congressional measure para palitan ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ng Bangsamoro entity batay sa peace compact sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ang BTC ay inilunsad sa Davao City na pinangunahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte, ito ang ipinalit sa labinlimang miyembro ng grupo sa pangunguna noon ni MILF chief negotiator Mohagher Iqbal.
Matatandaang hindi inaprubahan ng Kongreso ang binuong draft ng Bangsamoro Basic Law.