MANILA, Philippines (Eagle News) — Ipabubusisi umano ng Kamara ang mga bank account ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Yan ay sakaling umabot na sa Senado ang impeachment laban kay Sereno na inaakusahang hindi umano nagdeklara sa kaniyang Statement of Assets Liabilities at Net worth (SALN) ng tunay na yaman at mga ari-arian nito.
Ayon kay Ako-Bicol Partylist Representative Alfredo Garbin, isa sa ikinukunsiderang maging miyembro ng panel of prosecutors. Hihilingin nila sa Anti-Money Laundering Council (AMLAC) na luwagan ang kanilang rules upang masilip ang bank accounts ni sereno.
Umano’y alibi ni Cj Sereno, tinawanan ng ilang mambabatas
Minaliit naman ng mga kongresistang miyembro ng House Committee on Justice ang pahayag ni Sereno na ipiprisinta sa impeachment court ang mga nawawalang SALN nito.
Tinawanan din ng mga ito ang alibi ng kampo ni Sereno na naka-leave siya sa mga panahong iyon kaya hindi kailangang magsumite ng kaniyang SALN.
(Eagle News Service Eden Santos)