(Eagle News) — Inakusahan ng Bayan Muna partylist group ang Energy Regulatory Commission (ERC) na isang uri ng blackmail ang kanilang pahayag na magkakaroon ng malawakang blackouts kapag tuluyang sinuspinde ang mga ERC officials.
Sinabi ni Bayan Muna partylist Rep. Isagani Zarate na dapat muna nilang sagutin ang kanilang mga pananagutan sa bayan bago gumawa ng kwento kaugnay sa power interruptions.
Sa simula pa lamang umano ay pawang mga interes na ng mga oligarch ang kanilang pinu-proteksiyunan imbes na bantayan ang halaga ng presyo ng kuryente na papabor sa sambayanan.
Nauna nang sinabi ni ERC chairperson Agnes Devanadera na mapipilay ang kanilang operasyon kapag tuluyang sinuspinde ang apat sa kanilang mga board members.
Dahil isang collegial body ang ERC, kukulangin umano ang kanilang miyembro ng board kapag sinuspinde ang nasabing mga opisyal.