MANILA, Philippines (Eagle News) — Ipinagkibit-balikat lamang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang banta ni Communist Party of the Philippines Founding Chair Jose Maria Sison na kaya ng New People’s Army (NPA) na pumatay ng isang sundalo kada araw hanggang sa ituloy ng pamahalaan ang peace talks.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, ang banta ng CPP-NPA ay nagpapakita lamang ng tunay na kulay ng mga komunista na walang interes sa kapayapaan.
Dagdag pa ni Arevalo, may banta man o wala ay laging handa ang AFP na protektahan ang publiko at kanilang sarili laban sa mga pag-atake ng mga kalaban ng gobyerno.
Samantala, sinabi naman ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa na sa ngayon ay nasa attack mode ang pambasang pulisya at wala silang magagawa kundi idepensa ang kanilang mga sarili kung sakaling umatake ang rebeldeng grupo na CPP-NPA. (Eagle News Service)