Barangay Anti-Drug Abuse Council, pinagtibay sa Tarlac

(Photo courtesy Nora Dominguez, Eagle News correspondent)
(Photo courtesy Nora Dominguez, Eagle News correspondent)

 

TARLAC – Pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC upang puksain ang ipinagbabawal na gamot sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa pinagtibay na Provincial Resolution, bubuuin ang BADAC sa may 1,300 mga barangay sa lalawigan upang palakasin ang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Municipal Anti Drug Abuse Council at ng Provincial Anti Drug Abuse Council at PNP.

Ayon sa may akda ng pinagtibay na Provincial Resolution, Board Member Amado Espino III, Association of Barangay Captain President, malaking tulong ang pagkakabuo ng BADAC upang puksain ang itinuturing na salot sa lipunan, ang bawal na gamot.

Sa pamamagitan ng BADAC ay bubuo ng programa at polisiya ang kada barangay upang sama samang puksain ang paglaganap ng bawal na gamot.

Batay sa report ng PDEA kabilang sa mga hotspot areas sa illegal drugs sa Pangasinan ay ang Urdaneta City at Dagupan City na nagsisilbing bagsakan o transhipment point ng bawal na gamot.

Ayon sa Provincial Board mahigpit na tutukan ang mga hostpot areas sa lalawigan at maging ang boundaries dahil sa posibilidad ng bentahan ng droga. Ikinaalarma ng mga opisyal ng lalawigan ang natuklasang umanoy laboratory ng shabu sa Camiling Tarlac na malapit lamang sa Mangataren Pangasinan.  (Nora Dominguez, Eagle News correspondent