Barangay Captain sa MisOcc, patay sa pamamaril

(Eagle News) — Patay ang isang Brgy. Captain habang sugatan naman ang kapatid nito matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Clarin, Misamis Occidental.

Kinilala ang mga biktima na sina Philip Sia, 40 anyos, Kapitan ng Brgy. Centro Hulpa, Tudela Municipality sa naturang probinsya at kapatid nitong si Juphil Sia, 37 anyos isang negosyante.

Dead on arrival si Philip habang patuloy pang ginagamot ang kapatid nito.

Napag-alamang sakay ang mga biktima ng Toyota Wigo galing sa Ozamiz City at papunta sana ng Tudela nang tabihan at pagbabarilin ng mga suspek.

Narekober sa crime scene ang siyam na empty shells ng 9mm pistols.

Samantala, patuloy pa ring inaalam ang motibo sa naturang pamamaslang.

Related Post

This website uses cookies.