CAUAYAN, Isabela — Isang bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo ang pinasinayaan sa Barangay Baculod, Cauayan Isabela. Ito ang bagong extension ng Lokal ng Cauayan City.
Nagsimula ang construction nito noong buwan ng Oktubre 2015 at natapos ito lamang buwan ng Enero ng taong kasalukuyang.
Ito ay may isandaang seating capacity.
Ayon sa ilang kaanib ng INC, nang hindi pa naitatayo ang bagong gusaling sambahan ay halos sampung kilometro raw ang kanilang nilalakbay patungo sa Lokal ng Cauayan.
Kaya naman lubos ang kanilang kasiyahan at pagpapasalamat sa Panginoong Diyos sa pagkasangkapan sa Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, sapagkat nailapit sa kanila ang dako ng pagsamba.
Samantala, matagumpay namang naisagawa ng mga mag-aaral na kaanib sa loob ng Iglesia Ni Cristo ang aktibidad na “Tagisan ng Talino” na tinawag nilang “Clash of Minds.”
Ginanap ito sa isang Lecture Hall sa UP Los Baños sa pangunguna ng CBI o Christian Brotherhood International-Laguna West Chapter.
Ang CBI ay isa sa kapisanan na kinabibilangan ng mga mag-aaral sa loob ng Iglesia Ni Cristo.
Nilahukan ito ng mahigit dalawandaang mag-aaral na mula pa sa iba’t-ibang lokal ng Iglesia Ni Cristo sa nasabing lalawigan.
Tampok sa aktibidad na ito ang Quiz Bee na may kinalaman sa academic Subjects at Current Events.
Layunin ng aktibidad na malinang ang kanilang kakayahan sa pang akademikong asignatura gayundin paunlarin ang kanilang teamwork skills.