Barangay Chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Zamboanga del Norte pinasinayaan

image00001

GUTALAC, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Labis na kagalakan ang naramdaman ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa Barangay Tipan dahil pinasiyaan na ang bagong barangay chapel sa kanilang lugar. Puno ng kasabikan na dumalo ang mga kaanib ng INC sa unang pagtitipon sa naturang sambahan na pinangunahan ni Bro. Edgardo Belleza, Assistant District Supervising Minister ng Distrito ng Zamboanga del Norte.

Ang Barangay Tipan ay maituturing na kasuluk-sulokang bahagi ng probinsya kung saan ay mayroon ng mga kaanib ng INC. Hindi madali ang paglalakbay para marating ang dakong ito dahil kailangan pang dumaan sa tatlong ilog na kapag umapaw ang tubig-baha ay hindi na madadaanan. Kaya ang ginagawa ng iba ay sa dagat na dumadaan sa pamamagitan ng bangkang de motor.

Lubos na nagpapasalamat ang mga kaanib ng INC sa nasabing dako kay INC Exeutive Minister Bro. Eaduardo V. Manalo dahil isa sila sa napatayuan ng Barangay Chapel. Nangangako sila na ito ay aalagaan at iingatan.

(Photos courtesy of Bro. Joenel Plogimon and Bro.Ben Bayawa)