Sa pagtungtong ng unang buwan ng taong kasulukuyan ay patuloy ang pagtatayo ng mga barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas.
Kaugnay nito, tatlong barangay chapel ang pinasinayaan sa bahagi ng Norte sa lalawigan ng Iloilo.
Dalawa sa barangay chapel na ito ay matatagpuan sa barangay San Roque at Lumbia na sakop ng bayan ng Estancia. Matatagpuan naman sa barangay Tamange ang isa pang pinasinayaan barangay chapel na sakop ng bayan ng San Dionisio.
Samantala, pinasinayaan din ang baragong barangay chapel sa barangay Alegia sa bayan ng Loay, Bohol.
Labis naman ang pagpapasalamat ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo kay Kapatid na Eduardo V. Manalo, ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia sapagkat kahit sila ay nasa liblib na dako ay dama nila ang pagmamahal at pagmamalasakit ng namamahala lalo na sa gawang paglilingkod at pagsamba sa Panginoong Diyos.
(Agila Probinsya Correspondent Eileen Rosales, Reported by Judith Llamera, Eagle News Service Described by MRFB)