Patay ang isang barangay kagawad sa Sampaguita Lope de Vega, Northern Samar ng barilin ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Brgy. Mancol, Upper Happy Valley, Calbayog City, Eastern Samar. Kinilala ang biktima na si Ramil Espelimbergo Y Leano, 38 taong gulang.
Barangay kagawad, patay sa Calbayog, Samar
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, ang biktima ay galing sa pagbisita sa kaniyang mga makag-anak sa nasabing barangay. Hindi pa siya nakakalayo sa barangay proper ay hinarang na ito ng isang lalaki at binaril na agad naman nitong ikinamatay.
Ang bangkay ay nasa St. Peters Chapel Funeral at patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek at sa motibo ng pagpatay sa biktima.
(Report from EBC Eastern Samar Correspondents)