DAPITAN CITY, Zamboanga City (Eagle News) – Nagsagawa ng tatlong araw na lektura ang Community Disaster Risk Reduction Management (CDRRM) sa Dapitan City Resort Hotel katuwang ang Local Government Unit at Civil Defense -IX.
Dinaluhan ito ng mga opisyales ng pitong barangay na kadalasang binabaha, tulad ng:
- Ilaya
- Oyan
- Sulangon
- Burgos
- Baao
- Opao
- Tameon
Ayon kay Engr. Nelson Quimiguing ng CBDRRM, layuin nito na maturuan ang mga residente ng bawat barangay sa kanilang mga dapat gawin kung saka-sakaling may darating na hindi inaasahang kalamidad sa bayan, gaya ng biglaang pagbaha sa mababang parteng lugar.
Ikinatuwa naman ng Alkalde ng bayan ang boluntaryong tulong ng ahensya sa mga itinuro nitong dagdag kaalaman ng mga Dapitanon.
Elmie Ello – EBC Correspondent, Zamboanga del Norte