Plano uli ni pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang nakatakdang barangay elections ngayong darating na Oktubre.
Sinabi ni Duterte na hindi niya papayagang mahalal ang mga personalidad na sangkot sa iligal na droga na gagamitin lamang ang drug money para sa kampanya.
Ayon sa Pangulo hihilingin nito sa kongreso na magpasa ng batas o resolusyon para hindi matuloy ang barangay elections dahil 40 percent ng mga kapitan sa buong bansa ay sangkot sa iligal na droga.