TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – “Prevention is better than cure”, ito ang mga binitiwang pahayag ni Senior Fire Officer Rommel Bassig ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Tayug sa kanilang isinasagawang pagpunta sa bawat Barangay sa Bayan ng Tayug, Pangasinan para sa kanilang proyektong Barangay Ugnayan.
Ang Barangay Ugnayan ay ang pagtuturo ng Bureau of Fire Protection office sa mga residente kung ano ang dapat gawin sa panahon ng kalamidad o sakuna tulad ng bagyo na kung saan madalas na nararanasan sa ating bansa.
Kanila ng napuntahan ang 20 Barangay ng nasabing bayan kung saan binubuo ito ng 21 na mga barangay. Sa mga susunod na araw ay kanilang pupuntahan ang natitirang Barangay, ito ay ang Brgy. Guzon. Kanila na ring tinuturuan ang mga volunteer fire officer sa bawat Barangay ng sa gayon ay sa barangay pa lamang ay nagagawan na ng paraan ang mga sakuna na dumarating.
(Juvy Barraca – EBC Correspondent, Tayug, Pangasinan)