Barong Tagalog ni President-elect Duterte, ipinakita

 

(Eagle News) — Ibinahagi ng  state-owned television network  ang larawan ng Barong Tagalog na isusuot ni  President-elect Rodrigo Duterte sa kaniyang inaugurasyon.

Sa twitter account ng  People’s Television Network, naka-post ang barong na dinisenyo ni Aris Escarilla ng Chardin na isang high-end clothes shop  sa Davao City.

Una nang sinabi ng Chardin na naghanda sila ng 12 barong tagalog para kay Duterte na maaari niyang pagpilian.

Naka-post din sa twitter account ng PTV-4 ang swatches para sa corduroy pants at ang  “du30 buttons” na ginamit sa barong.

Ibinahagi rin ang mga larawan ni duterte kasama ang designer na si  Chard Pulache at ang paborito nitong master cutter na si Manong Hermie Balagon.

Ang nasabing Barong Tagalog na isusuot ni President-elect Duterte sa Huwebes as yari sa piña jusi ang at teternuhan ng itim na cotton pants.

Tinahi ng designer na si Boni Adaza ng Chardin ang barong na binurdahan ng disenyo na kakatawan sa minority ng mindanao, ang Manobo.  (Eagle News Service)