Barugo, Leyte wala nang COVID-19 active case

Courtesy Rose Marie Metran, Eagle News Service correspondent in Leyte

 

Ni Rose Marie Metran
Eagle News Service correspondent

LEYTE, Philippines (Eagle News) — Wala nang active COVID-19 cases sa bayan ng Barugo, Leyte ayon sa inilabas na COVID-19 situation update ng local government unit ng Barugo, Leyte Sabado, Feb. 6, 2021.

Ayon sa lokal na pamahalaan, wala na silang naitala pang bagong mga kaso. Ang kabuuang COVID-19 cases naman nito ay 212 kung saan 211 ang gumaling na at isa (1) naman ang nasawi.

Ngunit sinabi ng mga opisyal sa Barugo na hindi pa rin dapat maging kampante ang mga mamamayan sapagkat ang banta ng COVID-19 ay nananatili pa rin. Patuloy nilang ipinapaalala ang patuloy na pagsuot ng face mask, pag-observe ng physical distancing, palaging paghuhugas ng kamay at pag-iwas sa mga unnecessary o di kailangang mass gatherings.

(Eagle News Service)

Related Post

This website uses cookies.