(Eagle News) — Isinusulong ng isang mambabatas na isama ang basic journalism sa mandatory subject ng Senior High School.
Paliwanag ni Bulacan Representative Jose Antonio Sy-Alvarado, napapanahon nang isama ang panukala sa curriculum upang makatulong aniya ang mga estudyante na maiparating ang tamang impormasyon sa publiko.
Ang pagsali aniya sa basic journalism ay makakatulong na makabuo ng tamang pagpapahayag ng saloobin.
Sa tala ng Department of Education (DepEd), nasa 1.3 million ang mga estudyanteng nasa Senior High School sa ilalim ng K-12 Program.