Basura sa bayan ng Estancia, Ilo-Ilo, unhealthy level na

ESTANCIA, Ilo-Ilo (Eagle News) – Ang basurahan ng Bagsakan Market ng Estancia ay isa sa malaking issue ngayon sa nasabing Bayan.  Ito ay dahil sa tambak at samu’t-saring amoy ng basura ang laging dinadaing ng mga tao na laging nasa Bagsakan Market.
Sa bagsakan market nagtitinda ang mga transient vendor ng mga produkto tulad ng gulay, niyog, bigas at mga prutas. Dito rin bumili ang mga wholesaler ng mga produkto na dinadala sa mga karatig na pulo ng Estancia.
Ayon sa mga taong madalas sa nasabing palengke, nasa unhealthy level na ang kalagayan ng basura na nakakalat sa lugar. Nangangailangan na rin aniya ng immediate attention ng mga nanunungkulan sa bayan. Matagal nang inirereklamo ng mga nagtitinda at mga tindahang malapit sa tambak na basura. Ayon sa mga taong naglilinis sa nasabing bayan ginawa na aniyang dumpsite ang nasabing lugar. Doon na tintapunan ng basurang nakukuha ng dumptruck
Jean Rago – EBC Correspondent, Estancia, Ilo-ilo

0bafe7d3-3f93-4594-bcc4-c7c05bbd28d9

8d8648ae-b771-459d-a327-efa699be3332