Ni Josie Martinez
Eagle News Correspondent
BALANGA, Bataan (Eagle News) – Kinumpirma ng Bataan Provincial Veterinary Office, Dr. Albert Venturina, Head ng PVO na hindi totoo ang kumakalat na balita na may swine flu sa lalawigan.
Ang swine flu ay dumadapo sa mga baboy. Ayon sa kumakalat na balita ay pinagbabawalan ang mga mamamayan sa lalawigan ng pagkain ng karne ng baboy.
Sa pahayag ni Dr. Venturina, hindi ito nakukuha sa pagkain ng karne ng baboy kundi sa direct contact ng tao sa baboy.
Kaya nanawagan siya sa mga residente ng Bataan na huwag magpakalat ng mga maling impormasyon. Aniya, safe ang pagkain ng baboy at naka-monitor sila sa lahat ng piggery at slaughter house para matiyak na malinis at safe kainin ang karne ng baboy sa Bataan. (Eagle News Service)