Batas laban sa ‘motorcycle crimes’ lusot na sa Senado

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Ipinasa na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang bill na mag-oobliga sa mga motorsiklo at scooters na magkaroon ng dalawang malalaking license plates.

Nakakuha ng 21 affirmative votes ang Senate Bill No. 1397 o Motorcycle Crime Prevention Act of 2017 sa pangunguna nina Sen. Richard Gordon at Senate Majority Leader Vicente Sotto III bilang mga may-akda.

Naglalayon ang naturang bill na wakasan ang mas umiigting na riding-in-tandem crimes. Ayon kay Gordon, base sa datos ng Philippine National Police, umaabot na sa 39,380 riding in tandem cases ang naitatala mula 2010-2017 at halos 28 porsyento nito o 10,931 ay kaso ng pamamaril.

Dahil sa batas na ito, kinakailangang mag-isyu ng Land Transportation Office (LTO) ng mas malalaking license plates na kayang basahin sa layong 12 hanggang 15 metro.

 

Related Post

This website uses cookies.