Batas na lilikha sa bagong ahensya ng gobyerno, nilagdaan na ni Pangulong Aquino

Screen shot 2016-05-18 at 9.13.35 PM(Eagle News) — Nilagdaan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang Republic Act 10844 – batas na lumilikha sa bagong kagawaran ng gobyerno na Department of Information and Communications Technology (DICT), Mayo 23.

Dahil sa naturang batas, magkakaroon ng restructure ang Department of Transportation and Communications (DOTC) kung saan papangalanan na ang nabanggit na ahensya na Department of Transportation habang ang lahat ng operating units nito na may kinalaman sa komunikasyon ay ililipat na sa DICT.

Ayon din sa bagong batas, bubuwagin na ang sumusunod na mga ahensiya at ililipat na sa DICT:

  • Information and Communications Technology Office (ICTO);
  • National Computer Center (NCC); National Computer Institute (NCI);
  • Telecommunications Office (TELOF);
  • National Telecommunications Training Institute (NTTI).

Pangungunahan ang DICT ng isang Kalihim, tatlong Undersecretaries at apat na Assistant Secretaries.

Layon ng paglikha sa DICT ang pagpapatupad ng mga patakarang magsusulong sa maunlad na paggamit ng Information and Communications Technology (ICT) maging ang proteksyon sa karapatan ng bawat consumer.