Muling bubuksan ng Senado ang deliberasyon upang repasuhin ang ipinapasang kasunduan na Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ang gagawing pagdinig ay upang lutasin ang mga pagdududa ng ilang mambabatas sa pagkakakilanlan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na nasa likod ng paglagda ng kasunduan.
Ang proposed measure ay muling rerepasuhin matapos itong masuspinde ng halos dalawang buwan ng Senate Committe on the Local Government, ang pagkakasuspinde ng kasunduan ay upang bigyang daan ang imbestigasyon sa Mamasapano incident na ikinasawi ng 44 na kagawad ng Philippine National Police-Special Action Force o PNP-SAF troopers.
Ayon kay Committee Chair, Senador Bongbong Marcos, maari umanong madiskaril ang pagpapatibay sa panukala ng BBL dahil sa sinasabing mga paglabag sa Peace Agreement sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at MILF.
Ayon pa kay Marcos, kung mapapatunayan na mayroong paglabag sa napagkasunduang Ceasefire Agreement, hindi maka-susulong o makaka-pasa ang BBL dahil ang panukala ay nakabase sa rito.
Isa pa sa kinekwestyon sa pagdinig ng komite ay si MILF Negotiator Mohagher Iqbal, ang pagkwestyon ay ukol sa paggamit ito ng iba’t-ibang pangalan o aliases sa pakikipag-negosasyon sa Pamahalaan at paglagda sa kasunduan.