Benham Rise tiyak na hindi ibibigay ni Pangulong Duterte sa China – Prof .Carlos

(Eagle News) — Mali ang report na mistulang pinahihintulutan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China na pasukin ang teritoryo ng bansa. Ito’y may kaugnayan sa namataang Chinese Survey Ship sa bahagi ng Benham Rise na umano’y alam ni Pangulong Duterte .

Sa panayam ng Liwanagin Natin, sinabi ni Up Professor Clarita Carlos , posibleng may dahilan ang Pangulo at tiyak ring alam nito na mayaman sa natural resources ang Benham Rise kaya malabo niya itong ibigay sa ibang bansa.

Aniya, bahagi pa rin ng continental shelf natin ang benham kaya tiyak na ipaglalaban ng Pangulo ang karapatan ng Pilipinas .

Kasabay nito umapela si Carlos na tanggapin na lamang at huwag nang piliting baguhin ang ginagawang istilo ng Pangulo sa pamumuno at pagdedesisyon sa iba’t ibang isyung kinakaharap ng bansa.

 

Related Post

This website uses cookies.