(Eagle News) — Inamin ni Senate President Vicente Sotto na matagal nang nangyayari ang bentahan ng database ng ilang tiwaling opisyal ng Commission on Elections (Comelec) at mga dealer.
Nauna nang ibinunyag ni Atty. Glen Chong ng Tanggulang Demokrasya sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms ang umano’y bentahan ng data base para maisagawa ang pandaraya sa eleksyon.
Ayon kay Sotto, madalas na nangyayari ang dayaan gamit ang database sa mga lokal na pamahalaan.
Kasama aniya sa paraang ginagamit ang paglilipat sa pangalan ng ilang botante sa mga hindi boboto sa isang kandidato.
Sa ganitong sistema, hindi makikita ng botante ang pangalan nito sa inaasahang presinto kaya hindi makakaboto ang isang botante na papabor sa kalabang kandidato.
“Sa local kasi ang teknik ng mga kandidato kailangan may kopya siya ng voters list tapos every barangay ung mga leader nila, alam sino ang boboto at hindi. So, kung maidentify nila yung mga hindi boboto at meron kang koneksyon ng mga rogue na tao na taga-Comelec o meron namang mga dealer lang for comelec personnel nagagawa nila un,. Naidentify nila sino boboto,” pahayag ng sernador. Meanne Corvera