BFAR at bangus industry nagpulong para maiwasan ang insidente ng fish kill sa Pangasinan

Ni Nora Dominguez
Eagle News Service

BOLINAO, Pangasinan (Eagle News) – Isang pagpupulong ang ginawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Office 1, Department of Environment and Natural Resources (DENR) at mga fish cage operators sa bayan ng Anda at Bolinao upang maiwasan ang posibleng insidente ng fish kill.

Ayon kay Nestor Domenden, Regional Director ng BFAR RO-1, hiniling ng BFAR sa mga LGU ng Anda at Bolinao na magpatupad ng moratorium o pansamantalang ipagbawal ang pagtatayo ng mga karagdagang fish cage upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga katubigan na malinis at mai-rehabilitate ito.

Ayon sa BFAR, nanatiling maganda ang produksyon sa mga bangus producing areas na tulad ng Sual, Dagupan, Binmaley, Lingayen, Anda at Bolinao, bagamat mayroong pangamba na baka maulit na naman ang mga naranasang fish kill noong mga nakalipas na taon.

Nagkaroon na ng massive fish kill sa Tambac Bay sa Anda at Bolinao.

Ito ngayon ang inaasahang magsusuplay ng isda sa mga merkado at hapag-kainan sa Region 3 at kaMaynilaan.

Ayon sa BFAR, mayroong agreement ang mga bangus growers sa Pangasinan at may kani-kaniyang schedule ang mga ito sa pagha-harvest upang hindi magsabay-sabay ang kanilang produkto sa merkado at maiwasan ang pagbagsak ng presyo ang pagkalugi.

Dahil maganda ang produksyon at marami ang suplay, mula sa dating Php 150 per kilo noong Abril, ngayon ay nasa P110 per kilo ang bangus sa mga merkado sa Pangasinan. Habang ang farm gate price ay nasa P80-90 ang kada kilo.

 

Related Post

This website uses cookies.