(Eagle News) – Iminungkahi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga operator ng fish pen sa Bulacan na i-regulate ang dami ng mga isda sa kanilang mga fish pond.
Ito ay matapos ang nangyaring fish kill sa lalawigan na nag-resulta sa pagkalugi ng halos Php30 milyon.
Ayon sa BFAR, kailangang magpasa ng mga ordinansa para mapigilan ang mga operator sa over-stocking at over-feeding ng mga isda.
Maaaring magkasya ang tatlo hanggang limang libong isda sa bawat pen.
Subalit sa inspekyon ng BFAR may ilang umabot ng hanggang sampung libong isda.