(Eagle News) — Nakataas pa rin ang red tide alert sa Honda Bay sa Puerto Princesa, Palawan.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, lampas pa rin sa limit ang toxin ng mga nakuhang sample doon nitong March 20 dahil sa domestic waste at mainit na panahon.
Naka-monitor din ang ahensya sa Puerto Princesa dahil sa posibleng pagdagsa ng mga turista dahil sa pag-sasara ng Boracay.
Bagaman walang masamang epekto ang pag-ligo sa Honda Bay, malaki naman ang epekto ng red tide sa mga pagkain mula rito.
Samantala, ligtas namang kainin ang shell-fish mula sa ibang barangay sa Puerto Princesa na hindi apektado ng red tide.