BI, idinepensa ang hindi pagpapababa sa mga pasahero ng EVA airplane kasabay ng aberya sa NAIA runway

(Eagle News) — Hindi naabisuhan ang Bureau of Immigration na sa Clark International Airport mada-divert ang pagbababa ng mga pasahero ng EVA Air mula Taipei sa kasagsagan ng aberya sa Ninoy Aquino International Airport runway dahil sa pagsadsad ng Xiamen aircraft.

Sa panayam kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, walang natanggap na abiso ang Clark authorities na doon maglalanding at magbababa ang nasabing aircraft.

Ang nabanggit aniya na intensyon ng EVA airplane sa Clark ay refueling lamang dahil Manila talaga ang kanilang final destination.

Bagamat naka-red alert aniya noong mga panahong iyon ang mga immigation officers dahil sa aberya sa NAIA runway, wala talaga silang natanggap na advice mula sa nasabing airline.

Matatandaang nag-trending sa social media ang hindi pagpapababa ng OFWs na sakay ng nasabing eroplano at pinabalik ng Taipei.

Related Post

This website uses cookies.