Eagle News – Good news para sa mga motorista!
Ipinatutupad na ng mga kumpanya ng langis ang kanilang big-time rollback na epektibo ngayong araw (Hunyo 13).
Una ng nagpatupad ang Flying V at Sea Oil ng tapyas presyo simula alas-12:01 kaninang hating-gabi.
Php 0.95 naman ang inilargang rollback ng dalawang kumpanya sa kada litro ng diesel, Php 0.80 sa gasolina at Php 1.20 sa kerosene.
Kaninang 6:00AM naman nagpatupad ng kahalintulad na oil price rollback sa mga oil product ang Eastern Petroleum, PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Petron at Shell.