MANILA, Philippines (Eagle News) — Bumaba ng halos siyam na porsyento ang bilang ng naitatalang krimen sa nakalipas na buwan kumpara sa noong nakaraang taon.
Base sa datos ng Philippine National Police (PNP), mula Enero hanggang Oktubre ng 2017, nasa 452,204 incidents ang naitalang krimen sa bansa.
Mas mababa ito kumpara sa 493,912 crime incidents na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Pinakamalaki naman ang ibinaba sa kaso ng murder at physical injury.
Pangunahin daw na nakatulong sa pagbaba ng bilang ng krimen ay ang pinaigting na operasyon ng PNP kontra droga na ipinahinto ng Pangulo noong nakaraang buwan.
Pero kahit wala na sa war on drugs ang PNP, napapanatili pa rin nila na mababa ang krimen ngayon dahil nakatuon ang kanilang pansin sa 8 focus crimes na kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, motornapping at carnapping.
Lumabas sa datos ng PNP na bumaba ang porsyento ng krimen sa halos lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa mga highly urbanized area kabilang ang NCR, Region 4a, Region 1 at Region 7.