(Eagle News) – Umabot na sa halos anim na libong evacuees ang tinamaan ng iba’t ibang uri ng sakit sa mga evacuation center sa Albay.
Sa datos ng Department of Health (DOH), sa mga nagkasakit, nangunguna pa rin ang kaso ng respiratory infection o sakit sa baga. Ayon pa sa DOH ang bilang ng nagkaroon ng respiratory infection ay pumalo na sa 3,984, kasunod naman ay ang lagnat na may bilang na 798. Nasa 520 naman ang naitala na may high blood pressure, 323 ang nagka-diarrhea at 268 naman ang ginamot dahil sa mga sugat.
Ang pagkakasakit ng mga evacuee ay sinasabing resulta ng siksikang mga evacuation center at dahil na rin sa abo na ibinubuga ng Mayon na nalalanghap ng mga residente.
(Eagle News Service)