Eagle News – Unti-unti na ring nababawasan ang bilang ng mga guro sa nakalipas na pitong taon bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga bumabagsak sa Licensure Examination for Teachers (LET).
Ngayong taon, 10.39 % (percent) ang passing rate para sa examination ng mga naghahangad na maging elementary school teachers, ang pinakamababa simula noong 2010.
Tinukoy ng Philippine Business for Education na ang pagsasanay ng Teacher Education Institutions (TEI) sa kanilang mga estudyante ang maaaring ugat ng problema.
Sa tinatayang dalawang libong TEI na na-monitor noong 2009 hanggang 2013, 59% ng Elementary TEI at 63% ng secondary TEI ang hindi nakaabot sa LET national passing rate.