Bilang ng mga nag-enrol sa private schools, bumaba – CEAP

(Eagle News) — Maraming mga pribadong paaralan, kolehiyo at unibersidad ang nakaranas ng pagbaba ng bilang ng mga nag-enroll ngayong taon.

Ayon sa isang grupo ng mga pribadong educational institution sa bansa o ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP), maaaring makaapekto sa kanila ang pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education.

Base kasi sa nakalap nilang datos noong 2015 hanggang 2016, naitala ng grupo ang 60 hanggang 70 porsyentong pagbaba ng bilang ng enrollees ngayong School Year sa Metro Manila.

Bukod pa rito ay bumaba rin ang bilang ng mga nag-enrol sa mga top-performing school sa Visayas at Mindanao.

Related Post

This website uses cookies.