QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Umakyat na sa tatlumpu’t siyam (39) ang bilang ng mga nasawi matapos mabakunahan ng dengvaxia vaccine.
Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque na sa kasalukuyan ay iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) ang dahilan ng pagkamatay ng mga ito.
Hindi pa naman matiyak ng kalihim kung direktang may kaugnayan sa dengvaxia ang pagkamatay ng mga ito dahil kasalukuyan pa rin itong iniimbestigahan.
Kinontra din ni Duque ang mga pahayag ng Public Attorney’s Office (PAO) na konektado sa dengvaxia ang pagkamatay ng mga nabakunahan.
Iginiit nito na dapat nang ihinto ang pagtuturuan dahil ang kailangan ay magtulungan ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan upang mabigyan ng solusyon ang problema. (Eagle News Service)
https://www.youtube.com/watch?v=oKO9BMXZxl0&feature=youtu.be