(Eagle News) — Labintatlo-katao ang namatay sa Eastern Visayas dahil sa dengue fever.
Naitala ito sa unang apat na buwan ng taon.
Ayon sa Department of Health (DOH), nadoble ito kung ikukumpara sa naitalang nasawi noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.
Nakakaalarma anila ang nasabing ulat dahil maaaring maragdagan pa ang bilang nito mula Mayo hanggang Disyembre.
Noong nakaraang taon, lima lang ang naitalang nasawi dahil sa dengue sa nasabing rehiyon. Kung ikukumpara ay mas mataas ito ng 160 percent.
Mula Enero hanggang Abril, aabot sa 166 na kaso ng dengue ang naitatala sa Eastern Visayas.
Karamihan sa mga kaso ng dengue ay naitala sa Leyte at Northern Samar.