Bilang ng mga nasawi sa Itogon, Benguet umakyat na sa 74

(Eagle News) – Pumalo na sa 74 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa landslide na naganap sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet dulot ng bagyong Ompong.

Inihayag ni Cordillera Police Regional Office Director Chief Supt. Rolando Nana na mananatili pa rin sa search, rescue at retrieval operations ang mga otoridad sa gumuhong lupa sa Itogon sa lalawigan ng Benguet sa pag-asang may makukuha pa silang survivors mula sa mga natabunan ng gumuhong lupa roon.

Ayon naman kay Itogon Mayor Victorio Palangdan, may dumating nang apat na backhoe sa ground zero para gamitin sa operasyon.

Sa ngayon sinabi ni General Nana, nasa 39 pa rin ang nawawala habang sampu sa mga nahukay ang hindi pa rin nakikilala.

Related Post

This website uses cookies.