(Eagle News) – Nasa 10 milyong Pilipino ang nagsasabing sila ay nananatiling mahirap.
Ito ang nilalaman ng pinakahuling resulta ng nationwide survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) sa huling quarter ng taong 2017.
Ayon sa survey, mas mababa ito ng 900,000 na Pilipino kung ikukumpara sa September 2017 survey results.
Ayon sa SWS, bumaba ng 10 puntos ang bilang ng mga self-rated poor na pamilya sa Luzon.
Bahagya ring bumaba ang datos sa Metro Manila at Visayas.
Samantala, nananatili namang nasa 7.4 million na pamilya ang nagsasabing sila ay nakararanas ng food poverty.
https://www.youtube.com/watch?v=3bXVu7oZ8nw&feature=youtu.be