MANILA, Philippines (Eagle News) — Pumalo na sa 500,000 katao ang sumasakay sa LRT 1 kada araw.
Higit na mas malaki ito ng 16 percent sa bilang ng sumakay sa linya ng tren noong nakaraang taon.
Dahil dito, naungusan na ng LRT 1 ang MRT 3 kung bilang ng mga pasahero ang pag-uusapan.
Ang 500,000 commuters ay halos kaparehong bilang ng sumasakay sa MRT kada araw noong mga nakaraang taon ngunit bumagsak ito sa 400,000 noong 2017.
Simula naman nang hawakan ng gobyerno ang MRT 3 noong Nobyembre, bumagsak sa 320,000 ang bilang ng mga sumasakay sa itinuturing na train line sa buong Metro Manila.
Ayon kay LRT 1 President And Ceo Juan Alfonso, ang mas pinagandang serbisyo ng LRT 1 kabilang ang pagpapaganda sa mga istasyon at pagkukumpuni sa mga sirang bagon ay nakatulong sa pagbuhos ng mga commuter sa linya ng tren.
Dahilan din ang patuloy na aberya ng MRT 3 sa paglipat ng commuters sa LRT 1.