PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Tuloy-tuloy ang programa ng Detect TB sa paghahanap ng mga bagong kaso na may kaugnayan sa tuberculosis sa Palawan. Ayon kay Doctor Janet Reston, Detect TB Project Coordinator, mula sa World Health Organization, tumaataas ang bilang ng mga nadidiskubre na may sakit na tuberculosis sa buong Palawan. Ito ay magandang sensyales na nagiging matagumpay ang pagsisikap ng naturang programa upang makahanap at magamot ang mga taong may sakit ng TB.
Ang programa ay suportadong pinansyal ng Korean Foundation of International Health Care (KORIF) simula noong taong 2012. Nakapag-donate na sila ng isang bus na kompleto sa kagamitan upang ma-asses ang mga plema ng mga tao. Ang bus na ito ang nag-iikot sa buong Palawan para makahanap ng mga bagong kaso.
Kaalinsabay nito ay mayroon din core team na may doctor, nurse, medical technologist, radiologist at mga assistants na kasama ng bus na nagiikot sa bawat lungsod. Ayon kay Dr. Reston, nag-allot ng half million US dollars ang KORIF para sa mga aktibidad ng Detect TB at ang Palawan lang ang tanging Probinsya sa buong Pilipinas na sinusuportahan ng KORIF.
Simula noong taong 2012 hanggang 2015, marami na ang napagaling sa tulong ng Detect TB at may success rate na ang lungsod ng Puerto Princesa na 85-87%. Samanatalang ang probinsya naman ng Palawan ay mayroon 81-95%.
Armaine Krizel Namuco – Puerto Princesa, Palawan