(Eagle News) — Umabot na sa pitumpu’t dalawa ang bilang ng nasawi sa nangyaring landslide sa Naga City, Cebu.
Ayon sa Office of Civil Defense ng Region 7, animnapu’t lima na ang natukoy magmula nitong September 30.
Labingwalo ang nasugatan habang sampu katao ang kasalukuyan pa ring nawawala.
Sabi ni OCD Regional Director Concepcion Ornopia, lahat ng mga kinauukulang local government units ay nagpasya na aniya na ihinto na ang search operations sa lugar na nakatakdang ideklara bukas.
Batay aniya sa assessment ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang mga lugar na nakapalibot sa quarrying site na gumuho ay mapanganib n para sa mga rescue team.