(Eagle News) — Umakyat na sa walumpu’t-walo (88) ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng bagyong ompong.
Batay ito sa pinakahuling impormasyon na nakuha ng Philippine National Police (PNP) mula sa kanilang mga regional offices sa Regions 1, 2, 3, Cordillera Administrative Region at National Capital Region.
Aabot naman sa animnapu’t apat (64) ang nawawala habang pitumpu (70) ang sugatan.
Mahigit labing dalawang libong (12,000) pamilya naman ang nanatili pa rin sa mga evacuation center at mahigit isang libong (1,000) lugar ang wala pa ring supply ng kuryente partikular sa Cagayan.
https://youtu.be/60LSBAal08M