SOUTH COTABATO (Eagle News) –Tumaas ng 31.1% ang naitalang kaso ng typhoid fever sa South Cotabato sa first quarter ng 2016.
Ayon sa Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), mula noong Enero 1 hanggang Abril 23 nitong taon, 270 na ang biktima ng naturang sakit.
Batay rin sa pag-aaral ng nabanggit na ahensya, 93-anyos ang pinakamatanda sa mga tinamaan ng naturang sakit habang pitong buwang sanggol naman ang pinakabata sa mga ito.
Samantala, wala namang naitalang namatay dahil sa typhoid sa naturang lalawigan.