ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Dinagsa ng mga Ormocanon noong Huwebes ng gabi, October 20 ang kanilang isinagawang malaking celebration sa kanilang ika-69 Charter Day. Sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng magarang fireworks display na umabot ng halos anim na minuto. Isinagawa nila ito sa City Plaza Quadrangle.
Pagkatapos ng fireworks display ay nagkaroon ng mini concert ang AEGIS na dinayo ng kanilang fans na galing pa sa iba’t ibang ng lugar ng Ormoc. Nagsagawa din ng cultural dance sa Public Plaza. Ang naging pinaka-highlights naman ay ang paggawad ng parangal sa mga Ormocanon na totoong nakapag-ambag ng malaki sa lalong ikakikilala at ikatatanyag ng Ormoc City.
Isa sa mga naging attraction ng nasabing okasyon ay ang pagbukas ng bagong fountain na matatagpuan sa halos gitna ng Public Plaza na may iba’t ibang kulay ng ilaw na nakabibighani. Dinayo din ng mga tao ang exhibits na work of arts ng mga Ormocanon sa may lobby ng Ormoc City Superdome.
Kimberly Urboda – EBC Correspondent, Ormoc City