Biñan Mayor at Vice Mayor kinasuhan ng plunder

Photo courtesy of Wilsom Palima, Eagle News Laguna Correspondent

INIREKLAMO ng pandarambong at opensibong administratibo laban kay Biñan City Laguna Vice Mayor Walfredo Arman Reyes Dimaguila Jr. At ang kasalukuyang nanunungkulang Mayor na si Marlyn Len Lonte-Naguiat dahil sa umanoy overpriced na pagbili sa halagang 98 million pesos na lupain para sa simenteryo noong 2009.

Ang naghain ng reklamo sa ombudsman ay si Adelaida Yatco, ina ng Biñan City Councilor na si Jose Francisco Yatco na tumatakbo laban kay Dimaguila sa pagka mayor.

Si Yatco ay inaakusahan ni Dimaguila sa pag aproba at paninindigan ng mala-anomalyang pagpapalawak ng pampublikong simenteryo sa pagbili ng lupa na pag aari nina Emmanuel at Aida Capinpin at ang kasosyong pag aari ay ang ina ng mayora na si Fe Alonte.

Ang malaking katanungan ni Yatco ay ang malaking halaga ng pagkabayad sa pagkabili ng lupa sa actual na market priced. Anya ang pamahalaang lungsod ay nagbayad ng halagang 98.396 milyon sa 29,817 metro kwadradong lupain sa brgy. San Antonio. Anya, na ang fair market value ng lupain ay 21,468 milyon. Kung kayat nagkaroon ng Unexplained difference sa halagang 76,927 milyon.

Itinangi ni Yatco ang akusang may motibong bahid pulitika ang kaniyang inihain na reklamo. Anya matagal na niyang tinitignan ang bilihan ng lupain bago pa mag eleksyon, at kailan lang din niya nakumpleto ang mga dokumento na magiging suporta sa inihain niyang reklamo.

Ayon kay Yatco , “ako ay 71 na , kailan pa ako mag-fifile ng kaso , kung ako magising bukas wala na ko. My children do not want me to do this, nang makita ko ang mga tao hirap na hirap, ang Biñan ang laki ng income nakalublob sa utang.”

Hamon ni Yatco kay Dimaguila at Naguiat na mag-file sila ng kaso kung mapatunayan na hindi totoo ang kanyang alegasyon. Anya,” Tingnan na lang ninyo ang dokumento kung walang laman ang ibubunyag nito. Kapag hindi napatunayan idemenda ako.”

Samantala, pinabulaan ni Naguiat ang naturang alegasyon , anya ang naturang may ari ng lupa ay pangalawang pinsan mula sa kanyang ina na kung saan ay kinukonsiderang malayong kamag-anak.

Kanya rin itinanggi ang pagbili ng lupa sa mataas na halaga, ang kontrata ng pang lungsod ay pinanatili sa above- board. Anya, ang Pamahalang Panlungsod ay bumili ng pag aari noong 2009 sa halagang 3,015 bawat metro kwadrado na kung saan ay naaayon sa fair market value. Anya, may mga sertipikasyon na magpapatunay nito. Ang naturang lupain ay katabi lang ng kasalukuyang simenteryo at kailangan na magkaroon ng pagsasa-ayos na kung saan ay kapakipakinabang at abot-kaya. Ito ay para sa mga mahihirap ng Biñan na kung saan ang lumang simenteryo ay punong puno na. Nakakalungkot na ang magandang proyekto ay pinupuna at halata naman na may bahid pulitika.

(Eagle News Laguna Correspondent , Wilson Palima)

 

This website uses cookies.