Binay, humiling na ibasura ang petisyon ni Peña

File Photo: Makati City mayor-elect Abby Binay

(Eagle News) — Hiniling ni Makati City mayor-elect Abby Binay sa  Commission on Elections  (Comelec) na ibasura ang petisyon na inihain ni incumbent city mayor Romulo “Kid” Peña.

Matatandaang sa petisyon ni Peña, hiniling nito sa Comelec na magsagawa ng vote recount dahil sa umano’y vote buying at iba pang iregularidad na naganap sa nakaraang May 9 elections.

Pero ayon naman kay Binay, bigo si  Peña na magpakita ng ebidensya  para patunayan ang kaniyang mga paratang kaya hiniling nito sa Comelec na i-dismiss ang petisyong inihain ng huli.

Una nang natalo ni Binay si Peña ng mahigit 17, 000 boto batay sa tally ng Comelec.

Related Post

This website uses cookies.