BJMP Baguio, naghatid ng saya at regalo para sa anak ng mga inmate

BAGUIO CITY, Benguet (Eagle News) – Bakas sa mga mukha ng mga bata ang kaligayahan ng makatanggap sila ng munting regalo at kalinga mula sa pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa isinagawang community activity relations service sa Baguio City Athletic Bowl.

Ang naturang programa o home visitation activity ng BJMP ay may temang, “Pag aaruga ko, Kasama family mo.” Naglalayon ito na matulungan ang mga batang anak ng inmates ng Baguio City Jail. Nais din nila na mabigyan ng bahagyang atensyon, kalinga at suporta. Lalo’t hindi kapiling ng mga ito ang kanilang mga magulang dahil nasa loob ng mga kulungan.

Ayon kay PInsp. Lady Dorm Warden April Rose Ayangwa, nais nilang makapagbigay ng kahit bahagyang saya at ngiti para sa batang anak ng mga bilanggo. Maging sa mga kaanak aniya ng mga ito na dumalo rin sa nasabing aktibidad.

Nagpasalamat naman ang mga magulang ng mga bata sa ibinibigay na tulong at suporta para sa mga ito. Nagpapakita anila ito ng pagmamahal na hindi nila naibibigay dahil sa sila’y nasa kulungan.

Ayon pa sa BJMP, nakakatulong rin umano ito para sa inmates para lalong magsikap na makagawa ng tama at mabuti, lalo na ang pagbabagong buhay. Nagbigay din aniya ito ng sigla at inspirasyon sa mga bilanggo na kayanin ang hirap na buhay sa kulungan hanggang muling makasama ang mga mahal sa buhay.

Samantala ay namahagi rin ng mga school supply at materials ang mga jail guard sa pangunguna ng jail warden. Maliban sa pagkain, damit at iba pa na lalong nagdulot ng saya para sa mga bata. Isinagawa din ang ilang outdoor activity, tulad ng fun games. Na nagbigay ng sigla sa mga partcipants, mga turista at kamag-anak na nakasaksi sa naturang aktibidad.

Naging mapayapa sa kabuuan ang programa at umuwing masaya ang mga bata. Bitbit nila hindi lang ang mga natanggap na regalo kundi ang panibagong lakas at inspirasyon hatid ng pamunuan ng BJMP.

Fredddie Rulloda – EBC Correspondent, Baguio City

Related Post

This website uses cookies.