Nangangamba ngayon ang mga magsasaka sa barangay Manicahan sa Zamboanga City sa laki ng magiging epekto ng pag-atake ng black bugs sa kanilang mga palayan.
Sa ulat ng Zamboanga City Agriculturist Office ang black bug o stem borer ay insektong naninira sa tangkay ng mga palay at nangingitlog tuwing tag-ulan dahilan ng agad ng pagrami ng mga ito.
Ang pinakamabisa umanong pangpatay sa rice bugs ay ang pag-i-spray ng pesticides.
Pinayuhan naman ang mga magsasaka na gumamit ng “light trapping equipment” at regular na linisin ang mga palayan.