Black Friday protest, itinuloy ng iba’t ibang militanteng grupo sa Quirino Grandstand

Hindi nagpatinag sa ulan ang ibat ibang militanteng grupo at estudyante para isagawa ang Black Friday Protest sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Mula sa ibat ibang paaralan sa ka-Maynilaan, nagmartsa ang mga ito patungong Luneta upang kondenahin ang ginawang paglilibing sa mga labi ng dating pangulong Ferdinand Marcos sa libingan ng mga Bayani, isang linggo na ang nakakalipas.
Dala ng mga ito ang isang effigy ng bangkay ng dating diktador habang nakaitim ang karamihan sa mga nagprotesta.
Isa si Sophia na estudyante sa UP-Manila sa mga sumama sa Black Friday Protest.
Kahit hindi raw niya naabutan ang panunungkulan ni Marcos, batid nito ang mga umano’y pag-abuso ng dating rehimen.

Related Post

This website uses cookies.