‘Blackwater’ at ‘Rain or Shine’ panalo sa PBA

Kapwa wagi naman ang Blackwater Elite at Rain Or Shine Elasto Painters sa ikalawang araw ng pagpapatuloy ng 2017 PBA Philippine Cup.
Sa iskor na 94-87, tinalo ng elite ang koponan ng Phoenix Petroleum Fuel matapos umiskor ang rookie sensation na si Mac Belo ng dise-syete puntos.
Habang sa iskor na 101-87, ay tinambakan naman ng Rain or Shine ang power house team na Talk N’ Text Ka-Tropa sa pangunguna ni Jericho Cruz na nagtala ng dise-otso puntos.
Dahil sa panalo, kapwa may tig-isang panalo na ngayon ang dalawa koponan para sa pagbubukas ng bagong komperensya.

Related Post

This website uses cookies.