Blood donation activity isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Pateros, Metro Manila

PATEROS, Metro Manila (Eagle News) – Bahagi ng pagsapit ng pagdiriwang sa ika-102 anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo sa lokal ng Pateros, Distrito ng Metro Manila South ay nagsagawa ang mga miyembro nito ng blood donation activity sa pangunguna ni Bro. Generoso Figueroa, Resident Minister ng Pateros, kasama ang Ministerial Workers at ang mga Maytungkulin sa nasabing lokal.

Maaga pa lamang ay dumating na ang mga nasa kawani ng Rizal Medical Center sa Baragay Silangan Cover Court Pateros kung saan ay isasagawa ang nasabing aktibidad.

Ang aktibidad na ito ay naglalayon na makatulong sa mga nangangailangan ng dugo. Malaki rin ang nagagawang benipisyo nito sa ating kalusugan kung kaya’t maraming mga kapatid ang nakiisa sa programang ito at nagdonate ng dugo. Umabot sa 34 na bag ng dugo ang nakolekta mula sa mga donor.

Courtesy: Ailah Dabu – Pateros Corespondent

unnamed (1)

unnamed (2)

unnamed (3)

unnamed (4)

unnamed (5)

 

unnamed