Blood Donation Activity, isinagawa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa Sta. Maria, Bulacan

STA. MARIA, Bulacan (Eagle News) – Maraming mga kaanib ng Iglesia ni Cristo ang tumugon sa proyekto ng gobyerno na blood donation sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan. Kusang-loob silang nagpakuha ng dugo para ma-i-donate sa mga nangangailangan.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Department of Health (DOH) – Philippine Blood Center sa pangunguna ni Dr. Ian Vergara. Mababakas sa mukha ng mga nakipagkaisa sa nasabing aktibidad ang kagalakan at kasiyahan na sila ay makatulong sa marami nating kababayan na nangangailangan ng dugo.

Courtesy: Ian tolentino – Sta. Maria, Bulacan Correspondent

Related Post

This website uses cookies.